Manong sa Bus
Uso na ngayon yung may aakyat sa bus tapos sasabihin, NANGHIHINGI NG KONTING TULONG DAHIL NAMATAYAN O MAY SAKIT ANG KAPAMILYA/KAMAG-ANAK nila. Namatayan at walang pambayad sa pagpapalibing. Nasa ospital at hindi makalabas kasi walang pambayad o walang pambiling gamot.
Hindi mo alam kung RAKET o TOTOO.
Ako. Hindi ko ma-distinguish kung raket lang ba nila yun o totoo talaga.
Nagbibigay na lang ako (konti lang).
Naisip ko kasi, kawawa naman kung totoo at kung nanloloko man siya eh kakarmahin din siya.
Basta ako eh nagbigay ng tulong sa abot ng aking makakaya (naks!)
So, ayun nga. Kaninang papunta ako ng AMS sa may Ayala para magpamedical. Syempre sumakay ako ng bus medyo puno kaya sa bandang gitna ako naupo.
Ayun may umakyat na mama sa bus.
TYPICAL NA ITSURA NG TATAY. 40-50 years old, nakaitim na t-shirt, maong na pantaloon at belt bag. Medyo mataba ng konti lang naman, medyo nauubos na rin ang buhok niya.
Tapos, ayun nanghihingi ng tulong kasi yung ANAK NIYA DAW D-INA-DIALYSIS. Hindi pa raw kasi ina-approve ng PCSO yung request nilang tulong.
Hindi siya yung katulad ng mga nakita ko na before…kasi yung iba may dala-dala pang photo copy ng death or medical certificate.
Basta si manong nagsasalita lang siya. Saglit nga lang eh.
At sa paraan ng pagsasalita niya eh tipong napipilitan siyang gawin yung manghingi ng tulong na parang namamalimos.
Yung parang ang sakit-sakit sa pride niya yung ginagawa niya pero wala siyang choice.
Ewan ko kung ako lang ba talaga yung may ganung feeling o baka imagination ko lang kasi nga may pagka-Papa’s girl ako.
Pero naawa talaga ako kay Manong.
Kaya nandun pa lang siya nangongolekta sa unahan kumukuha na ko ng pera sa coin purse ko (kahit wala na kong pera.hahaha).
HINDI KO MAPIGILAN PERO NALUHA AKO.
Nakakatuwa kasi halos lahat yata ng pasahero kanina nagbigay.
Todo pasalamat si Manong sa bawat abot niya… “Maraming salamat po. Malaking tulong po ‘to sa’min.”
May isang pasahero na nag-abot at sabi “pasensiya ka na, nagpapadialysis din kami.”
Sabi ni Manong… “Pasensya na po kayo. Maraming salamat po.”
At sobrang nanghihingi siya ng pasensya.
Ulit-ulit niyang sinabi na… “Pasensiya na kayo ayoko ding mangyari to sa’min pero wala akong magawa.”
Bago siya bumaba, may nagpahabol pa na nagbigay.
Sabi ni Manong…”Maraming Salamat po. Ingat po kayo.”
Sana ma-approve na yung request ni Manong sa PCSO.
Sana din gumaling na yung anak niya.
(Kung totoo man yun).